Kapitulo 5 ng Qur’an
Qur’an 5:20-26 (Isinalin sa pamamagitan ni Usama Dakdok):
20. At alalahanin mo, O Muhammad, noong sinabi ni Mousâ (Moises as) sa kanyang sambayanan: “O kayong mga angkan ni Isrâ`îl! Alalahanin ninyo ang kagandahang-loob sa inyo ng Allâh, noong Siya ay nagpadala mula sa inyo ng mga Propeta at ginawa Niya kayong mga hari, na nangangasiwa sa inyo pagkatapos ng pagiging alipin ninyo kay Fir`awn (Pharaon) at sa kanyang mga tauhan, at katiyakan na pinagkalooban Niya kayo ng iba’t ibang biyaya na hindi pinagkaloob kaninuman sa inyong kapanahunan.
21. “O aking sambayanan, pumasok kayo sa banal na kalupaan – na ito ay ang ‘Baytul Maqdis’ at ang mga nakapalibot doon, na siyang ipinangako ng Allâh sa inyo na ito ay inyong mapapasok; at makipaglaban sa sinuman na mga walang pananampalataya na naroroon at huwag kayong aatras sa pakikipaglaban sa mga taong malalakas na yaon; kung hindi ay wala kayong mapapalang kabutihan dito sa daigdig at sa kabilang buhay.”
22. Sinabi nila: “O Mousâ (as), walang pag-aalinlangan na naroroon ang mga matatapang at malalakas na tao; na kung kaya, hindi namin kayang makipaglaban sa kanila; at kailanman ay hindi kami papasok doon hangga’t naroroon pa rin sila, at kapag umalis na sila ay saka pa lamang kami papasok.”
23. Sinabi ng dalawang kalalakihang kabilang sa kanila na mga may takot sa Allâh na sila ay biniyayaan ng Allâh sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya at sa Kanyang Propeta, mula sa mga angkan ni Isrâ`îl: “Lusubin na ninyo ang mga matatapang at malalakas na tao sa pamamagitan ng pagpasok sa pintuan ng kanilang lunsod para maisagawa ninyo ang ipinag-utos, at kapag kayo ay nakapasok na sa pintuan ay matatalo na ninyo sila; at sa Allâh lamang kayo magtiwala kung kayo ay tunay na naniniwala sa Kanyang Sugo, sa anumang dala-dala niya sa inyo; at kung kayo ay sumusunod sa Kanyang batas.”
24. Sinabi ng sambayanan ni Mousã (as): “Kailanman ay hindi kami papasok sa lunsod na yaan hangga’t nandiyan pa ang matatapang na mga tao; na kung kaya, ikaw ang pumunta at ang iyong ‘Rabb’ – at kayong dalawa ang makipaglaban; at kami ay uupo na lamang dito at di makikipaglaban.” At ito ay pagpupumilit mula sa kanila sa paglabag kay Mousâ (as).
25. At humarap si Mousã (as) sa kanyang ‘Rabb’ na nananalangin: “O aking ‘Rabb!’ Ang kaya ko lamang ay ang aking sarili at ang aking kapatid; na kung kaya, ihiwalay Mo kami mula sa mga naghimagsik at sumuway sa Iyo.”
26. At sinabi ng Allâh sa Kanyang Propeta na si Mousã (as): “Katiyakan, ang pagpasok sa banal na lugar ay ipagbabawal sa kanila na mga Hudyo, sa loob ng apatnapung taon; na sila ay gagala-gala sa kalupaan na walang patutunguhan. Na kung gayon, huwag kang malungkot, O Mousâ (as), sa mga taong lumabag at naghimagsik sa Aking kagustuhan.”
Pag-aralan natin ngayon ang bawat versikilo:
Versikulo 20 – Nalaman natin hindi lang mula sa Biblia kundi pati sa Qu’ran, na ang lahi ng mga Hudio ay pinili ng Diyos ng mabasa natin mula dito na, “pinagkalooban Niya kayo ng iba’t ibang biyaya na hindi pinagkaloob kaninuman sa inyong kapanahunan.”
Versikulo 21 – Ang mga Hudio ay inutusan ni Allah na makipagdigmaan at kunin ang lupa mula sa mga naninirahan doon. Binalaaan Niya sila na huwag talikuran ang pakikipag-digma kundi ay paparusahan niya sila. “O aking sambayanan, pumasok kayo sa banal na kalupaan – na ito ay ang ‘Baytul Maqdis’ at ang mga nakapalibot doon, na siyang ipinangako ng Allâh sa inyo na ito ay inyong mapapasok; at makipaglaban sa sinuman na mga walang pananampalataya na naroroon at huwag kayong aatras sa pakikipaglaban sa mga taong malalakas na yaon; kung hindi ay wala kayong mapapalang kabutihan dito sa daigdig at sa kabilang buhay.”
Versikulo 22 – Ang mga Hudio ay payapa at ayaw nilang makipagdigma subalit nais ni Allah ng digmaan at pagdanak ng dugo. Sinabi nila, “O Mousâ (as), walang pag-aalinlangan na naroroon ang mga matatapang at malalakas na tao; na kung kaya, hindi namin kayang makipaglaban sa kanila; at kailanman ay hindi kami papasok doon hangga’t naroroon pa rin sila, at kapag umalis na sila ay saka pa lamang kami papasok.”
Versikulo 23 – Dalawa lamang sa lahat ng mga Hudio ang pumayag makipagdigmaan. Natuwa si Allah sa kanila at pinangakuan sila ng katagumpayan.
Versikulo 24 – Patuloy na tumangging makipagdigmaan ang mga Hudio. Tinanong nila si Moises kung bakit ang kangyang Panginoon ay gusto ng digmaan. Sinabi nila na si Moises na lamang ang sumama sa kaniyang Panginoon at silaay magpapaiwan. Sinabi nila, “Kailanman ay hindi kami papasok sa lunsod na yaan hangga’t nandiyan pa ang matatapang na mga tao; na kung kaya, ikaw ang pumunta at ang iyong ‘Rabb’ – at kayong dalawa ang makipaglaban; at kami ay uupo na lamang dito at di makikipaglaban.”
Versikulo 25 – Ang mga suwail at ang mga masunurin ay binibigysn ni Allah ng kanikanilang mga katawagan o titulo. Sabyan ninyo ako sa pagbasa. “O aking ‘Rabb!’ Ang kaya ko lamang ay ang aking sarili at ang aking kapatid; na kung kaya, ihiwalay Mo kami mula sa mga naghimagsik at sumuway sa Iyo.” Dito ay hinatulan ni Allah ang mga Hudio sa pagtanggi nilang patayin ang mga nakatira sa lupang pangako. Tinawag niya silang mga suwail na nilalang.
Versikulo 26 – Nagalit si Allah dahil sa pagtanggi ng mga Hudio na labanan at paslangin ang mga higante. Pinarusahan niya sila ng 40 taon na paglalakbay sa disyerto.
Panahon na upang magtanong. Tinaguriang mga higante sa Qur’an ang mga naninirahan sa Palestino. Hindi maaring ang tinutukoy dito ay ang mga Palestino ngayon dahil sila ay pandak at maliliit ang pangangatawan kung ikukumpara sa karaniwang pangangatawan.
Sa makatuwid, sino ang mga Palestino? Saan sila nagmula? Simple lang ang sagot. Sila ang mga Muslim na kasama ni Omar Ibn El-Ka’tab na pumasok sa lupain noong 717 taon makalipas ang pagdating ni Kristo (Basahin ang “Pact of Omar.”) Si Yasser Arafat ay hindi maaaring nagmula sa lahi ng mga higante dahil wala pa sa limang talampakan ang kanyang taas.
Bakit pinili nila ang lupain gito at tinawag itong “banal na lupain” (Qur’an 5:21), gayung wala pang propeta si Allah na nanirahan doon?
Dineklara mismo ni Allah ang Israel na lupaing inilaan para lamang sa mga Hudio (Qur’an 5:21), kahit pa katumbas nito ay puwersahang pagkuha nito mula sa mga naninirahan doon. Ang mga Muslim sa ngayon ay nagsasabi na hindi makatuwiran, kahindikhindik, isang krimen at hindi makatao na kunin ang Israel (Palestina) mula sa mga Palestino. Mangangahas baa ng mga Muslim na sabihing ang desisyon ni Allah na ipapatay at palayasin ang mga higante mula sa Israel ay hindi makatuwiran, kahindikhindik, isang krimen at hindi makatao?
Ang hindi makatarungan ay ang pagpaparusa ni Allah sa mga Hudio sa pamamagitan ng palalakbay nila sa disyerto ng 40 taon dahilan sa pagtanggi nilang makipagdigma laban sa mga higante. Ipinapakita na upang maging katangaptangap ang mga Hudio sa paningin ni Allah ay kailangan nila patayin ang mga higante at sakupin ang banal na lupain. Tanging sa gaoong paraan lamang magugustuhan ni Allah ang mga Hudio.
Mga Pangaraw-araw na Sumpa para Sa Mga Hudio at Kristiyano
Pansinin na limang beses sa isang araw kung isumpa ng mag Muslim ang mga Hudio at Kristiyano. Nilalarawan sa Qur’an 1:7 na kapwa ang mga Hudio at kristiyano ay tinaguriang mga isinumpa:
Sa daraanan nilang mga pinagkalooban mo ng grasya, ‘di tulad nilang mga talunan (Kristiyano) o silang mga umani ng iyong poot 9Mha Hudio).
Ang mga Hudio ngayon ay limang beses sa isang araw isinusumpa ng mga Muslimdahil sa pagtanggi nilang paslangin ang lahat nga mga higante (mga Palentino?).
Sa isa sa mga di mabilang na debateng aking kinasangkutan, tinanong ko ang isang mangangaral na Muslimtanggap ni Allah noon na paslangin ang mga higante. Sinabi niya na hindi mga Muslim ang higante noong panahong iyon kaya’t obligasyon ng mga mananampalataya na patayin sila. Hustisya ang tawag doon sa Islam. Ang tawag ko doon ay kasinungalingan.
Ang mga punto ng aking konklusyon ay narito:
Bakit itong bayan para sa mga Hudyo ang piniili ni Allah? Bakit niya pinagparteparte ang bayan para sa mga Hudyo?
Kung si Allah ang tunay na Diyos, dapat ay alam niyang isang malaking pagkakamali ang pagbibigay ng lupain sa mga Hudyo at ito’y magbubunga lamang ng malaking digmaan sa panahong ito. Ang pag-danak ng dugo na nagaganap ngayon ay sariling krimen ni Allah dahil siya ang pumili ng lupain para sa mga Hudyo. Maliwanag na hindi alam ni Allah ng mga panahong iyon na ang mga maninirahan sa Banal na Lupain pagdating ng panahon ay mga Muslim.
Ang pangalan ng mga Palestino ay hindi nabangit ni Allah sa Qur’an. Kinapos kaya siya ng impormasyon kaya nagkaganuon?
Ang pinakamabigat na puntong makukuha natin sa lahat ng ito ay ang Qur’an mismo ang nagbibigay ng katibayan na mali ang
mga paratang ng mga Muslim laban sa Israel. Si Allah mismo
ang nagwika na ang Israel ay para sa mga Hudyo.
Bakit Tinaguriang mga Baboy at Ungoy ang mga Hudyo ni Allah
Qur’an 2:65:
وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ الَّذِينَ اعْتَدَوْا مِنكُمْ فِي السَّبْتِ فَقُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ
( سورة البقرة , Al-Ba’qara, Qur’an 2:65)
At walang pag-aalinlangan, batid ninyo ang masidhing pagkakasala ng inyong mga ninuno, noong nilabag nila ang itinakdang hangganan o kagustuhan ng Allâh bilang matinding kasamaan at paghihimagsik. Ipinagbawal sa kanila noon, dahil sa kanilang pagkakasala, ang pangingisda sa araw ng Sabado (Sabbath), gayon pa man ay naglagay pa rin sila ng lambat sa araw na yaon at nanghuli sila ng mga isda. Na kung kaya, dahil sa paglabag nila, sinabi Namin sa kanila: “Maging mga unggoy kayo, na kahamak-hamak at tinanggihan.” Kaya’t sila ay naging mga unggoy.
Isinumpa ni Allah ang mga Hudyo dahil sa pangingisda sa araw ng Sabado na tinuturing na banal na araw ng pamamahinga, na sa aking palagay ay ikinagalit ni Allah. Ang tanong ko ay bakit sa makalipas na ilang libong taon ay walang ni isang Hudyo, lalaki man o babae ang naging anyong ungoy o baboy?
Alalahanin na hindi kailanman pinalaya ni Allah ang mga Hudyo sa banal na araw ng Sabado. Tandaan rin na ang sumpa ay nagpapatuloy parin magpahangang ngayon. Magsama ng isang kaibigang Hudyo sa pangingisda isang Sabado at magdala ng kamera na pang-bidyo. Tingnan ninyo kung ang inyong kaibigang Hudyo ay magiging ungoy o baboy. Kung mananatili siyang tao hanga’t sa katapusan ng banal na araw, nangangahulugang walang epekto ang sumpa ni Allah.
Kung ayaw ni Allah na gumawa ng anumang gawain ang mga Hudyo sa araw ng Sabado, bakit niya pinahihintulutan ang mga Muslim gumawa ng mga gawain buong Biyernes?
Dahil sa pangingisda sa araw ng Sabado, ginawang mga ungoy at baboy ang mga Hudyo ni Allah. Narito ang kuwento sa Qur’an 7:163:
At tanungin mo sila na mga Hudyo, O Muhammad, hinggil sa bayan na malapit sa tabi ng dagat, noong lumabag sila sa araw ng ‘Sabbath’ (Sabado), nilabag nila sa araw ng ‘Sabbath’ ang mga hangganang itinakda ng Allâh na Kanyang ipinagbawal, dahil inutusan sila na igalang ang araw ng Sabado (Sabbath) at huwag silang manghuhuli ng isda, subali’t sinubukan sila ng Allâh; kaya dumarating ang napakarami at malalaking isda na lumulutang sa karagatan sa araw ng Sabado, at kapag lumipas na ang araw ng Sabado ay nawawala naman ang mga ito at wala na silang nakikita (mula sa mga isda), na kung kaya, sila ay nagpakana na mahuli nila sa araw ng Sabado ang mga isda sa pamamagitan ng paglalagay nila ng lambat bago mag-Sabado at saka nila kukunin pagkatapos ng Sabado.
Basahin natin ang interpretasyon sa Qur’an 7:163 (Inilimbag ni Ibn Kathir, 2002, Inilathala sa pamamagitan ni Dar-‘Tiba, V2, Pahina 163):
تفسير ابن كثير
إسماعيل بن عمر بن كثير القرشي الدمشقي المجلد الثاني ص 163
دار طيبة
سنة النشر: 1422هـ / 2002م
ابن عباس، وقوله: {إذ يعدون في السبت} أي يعتدون فيه ويخالفون أمر اللّه فيه لهم بالوصاة به إذ ذاك {إذ تأتيهم حيتانهم يوم سبتهم شرعا}، قال ابن عباس: أي ظاهرة على الماء، {ويوم لا يسبتون لا تأتيهم كذلك نبلوهم} أي نختبرهم بإظهار السمك لهم على ظهر الماء في اليوم المحرم عليهم صيده، وإخفائها عنهم في اليوم الحلال لهم صيده،
Habang ang isda ay lumalangoy sa ibabaw ng tubig tuwing araw ng banal na pamamahinga, upang makita itong palutanglutang sa ibabaw ng tubig, ayon kay Al-Dahhak, na iniulat ito mula kay Ibn `Abbas Ibn Jarir na siyang nagsabi na, “Sinabi ni Allah (ngunit sa araw maliban sa Sabado ay walang lumalabas na isad: sa ganitong paraan natin sila ipinahamak, upang sila ay magkasala) sa makatuwid, sa ganitong paraan natin sila sinubok sa pamamagitan ng paglangoy ng isda sa ibabaw ng tubig sa araw na ipinagbabawal ang pangingisda. At sa mga nalalabing araw sa loob ng isang lingo kung saan sila ay maaaring mangisda, ang isda ay mananatiling nakakubli musa sa kanila, (sa ganitong paraan natin sila ipapahamak) upang subukin sila…
Ang di pantay na pamantayan ni Allah ay makikita sa kuwentong ito (Qur’an 2:17):
Ipinagbawal sa inyo ni Allah ang mga karne mula sa namatay na hayop, ang dugo at ang karneng baboy, at yaong mga karne na lubusang inialay sa pangalan na maliban kay Allah. Subalit kung sino man ang napilitan dahil sa pangangailangan (kagaya ng kagutuman) hindi dala ng pagnanasa or paglampas sa kautusan ni Allah, hindi siya magkakasala: Mapagpatawad at maawain si Allah.
Sa makatuwid, maaaring kumain ng baboy ang isang Muslim at labagin ang kautusan ni Allah ng dahil sa kanyang gutom.
Kung gayon ay bakit hindi maawain si Allah sa mga Hudyo na hinayaan niyang magdusa sa loob ng anim na araw kada lingo at pagkatapos ay lumalabas lamang ang isda kung Sabado. Ilang lingo kayang mag-‘fast’ ng walang pagkain ang mga Hudyo? Ilang lingo kaya ng mga Hudyo mag’fast.’ Ibig sabihin, sariling pamamaraan ni Allah ang krimen at sa medaling salita kagagawan ni Allah ang krimen at pagkatapos nais niyang parusahan ang mga Hudyo sa pamamagitan ng pangingisda sa araw ng Sabado?
Pinagbawal ni Allah na mangisda tuwing Sabado, subalit pinalilitaw lamang niya ang isda sa araw ng Sabado!
Paano pakakainin ng mha dukhang mangingisda ang kanilang mga pamilya anim na araw sa loob ng isang lingo kung pallalanguyin lang niya ang mga isda sa taas ng dagat tuwing Sabado?
Makatarungan ba iyon? Pinaglalaruan ni Allah ang mga Hudyo, ginugutom sila upang mapilitan silang sumuway sa kanyang kautusan; at pagkatapos ay parusahan sila sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang anyo sa mga daga, baboy at ungoy!
Maliwanag na ang gumawa ng istoryang ito ay mala-demonyo ang kaisipan, ipinapaliwanag lang sa atin na pinaparusahan tayo ni Allah para sa kaligayahang pantao lamang – ang masiyahan sa panonood na magutom ang mga bata anim na araw sa isang lingo, para lamang susugan ang pagka-bilib sa sarili.
Maging Mga Daga ay Nagmula sa Mga Hudyo!
Sahih Al-Bukhari, Aklat 54, Hadith 524:
Iniulat ni Abu Huraira: Sinabi ng Propeta, “Isang grupo ng mga batang Israelita ang nawawala. Walang nakakita kung paano sila kumilos. Subalit ang alam ko sila ay isinumpa (ni Allah) at nag-anyong mga daga, dahil kapag inilagay mo sa harap ng daga ang gatas ng babaeng kamelyo, hindi ito iinom, pero kung ang ilalagay mo sa harap nito ay gatas ng babaeng tupa, iinom ito.” Ito ang sinabi ko kay Ka’eb na nagtanong, “Narinig mo ba ito mula sa Propeta?” Ang sabi ko ay, “Oo.” Paulit-ulit akong tinanong niKa’ebe tungkol duons; Sinabi ko kay Ka’eb “Nagbabasa ba ako ng Torah? (Hal. Sa Propeta ko ito narinig.)”
Pag-aralan natin ang kaisipan ni Muhammad patungkol sa kung ano ang tanggap sa isang hayop. Ang uri ng inumin na tinatangihan ng isang hayop ay sumasagisag ng lahi na inyong pinagmulan. Pero hindi ba’t si Allah mismo ang gumawa sa kanilang mag-anyong hayop bilang parusa sa kanilang kamalian?
Gamitin natin itong mala-henyong kaisipan ni Muhammad para pag-aralan ang isang misteryo:
Ang mga buriko ay hindi umiinom ng “whiskey” o alalak, at ang mga Muslim ay hindi umiinom ng alak. Samakatuwid, ang mga buriko ay dating mga Muslim at ginawa lamang silang buriko ni Allah?
Tandaan na hindi ko tinatawag na buriko ang mga Muslim, sigurado ‘yan, ginagaya ko lang ang katalinuhan ni Muhammad sa paggamit ng ganitong kaisipan. Tutal hindi ba’t siya ang pinakamagaling na halimbawa na dapat sundin?
Ang tanong ko ay kung saan nakiha ni Mohammad ang ganitong ideya? Hindi maalis sa isipan ni Muhammad ang mga Hudyo. Maging sa mga utos niya sa mga Muslim, hindi niya ginamit na batayan ang katuruan ni Allah o sa kung alin ang tama o mali, kundi kung ano ang kabaligtaran ng mga ginagawa ng mga Hudyo, katulad ng makikita natin sa mga hadith. Ito ang ilang mga halimbawa.
Lumikha nga mga Batayan si Muhammad, Hindi Mula sa katuruan ni Allah, Subalit Upang Kalabanin ang mga Hudyo.
Sunan Abu-Dawood, Ika-2 Aklat, Hadith 0652:
Iniulat Aws ibn ‘Thabit al-Ansari: “Sinabi ng mga mensahero ni Allah: ‘Kumilos kayo nga kaiba sa mga Hudyo, sa ngalan nila huwag kayong mananalangin na suot ang mga sandalyas at sapatos.’”
Hindi ba kaya ni Muhammad na sabihan sila kung paano manalangin ng hindi inaalala kung ano ang mga ginagawa ng mga Hudyo? Bakit kailangang ang lahat nga ginagawa ng mga Muslim ay kabaligtaran ng sa mga Hudyo? Higit na mas katawatawa ang mga simusunod sa hadith (Sunan Abu-Dawood, Ika-20 Aklat, Hadith 3170):
Ulat ni ‘Ubadah Ibn Assamet: “Ang mensahero ni Allah ay nananatiling nakatayo sa lamay hangang hindi naililibing ang bangkay sa hukay. Isang Hudyo na may mataas na napag-aralan ang dumaan sa kanya (Muhammad) habang siya ay nakatayo sa harapan ng isang hukay habang may inililibing at matapos nuon ay sinabi ng Hudyo na: ‘Ganito natin ito ginagawa (sa madaling salita ay nananalangin ng naka-tayo).’ Naupo ang propeta at sinabi niyang: “Maupo kayo at umakto ng iba sa kanila (mga Hudyo).”
Totoo ba ito? Ng sabihin ng isang Hudyo na ganito namin gawin ito, saka lamang niya binago at ginawa ang kabaligtaran nuon?
Ang ibig ba sabihin ay nagkamali si Muhammad sa lahat ng panahong nanalangin siya ng naka-tayo sa harap ng libingan?
Bakit hindi hiniling ni Muhammad na turuan siya ni Allah kung paano ang tamang paraan ng pananalangin imbis na umarte siyang parang bata “Sinabi ng Propeta na: ‘Maupo kayo at ibahin ang inyong kilos sa kanila.”
Matatagpuan ang isa pang halimbawa sa Sahih Al-Bukhari. Ika-56 Aklat, Hadith 668:
It reported by Abu Huraira: Allah’s messenger said, “The Jews and the Christians do not dye their gray hair, as a result you shall do the opposite of what they do (which means dye your gray hair and beards).”
Malinaw na ang Islam ay sadyang ginawa upang maging kabaligtaran ng lahat ng pinaniniwalaan ng Kristyanismo at ‘Judaism.’ Ang resulta, kung may Muslim na lalapit sa iyo at sasabihing, “An gating diyos ay magkatulad,” niloloko ka niya. Alam niyang anuman ang ating paniwalaan at gawin, ang bawat gawain at kautusan ay baligtarin ng kanyang propeta, hindi dahil sa mali tayo, kundi para lang maging kabaligtaran sa atin
Usapang Pangkapayapaan sa Islam
Hindi ko alam kung naiintindihan ninyo kung gaano kadelikado ang Islam. Nakita na ninyo, kinamumuhiaan ni Allah ang lahat ng mga Kristiyano at inuutusan ang mga Muslim na labanan sila. May humigit kumulang na tatlong bilyong mamamayan na Kristiyano ang kailangan labanan ng mga Muslim. Ang pagapipilian lamang ay ang magpasakop,